Tila naghinanakit ang social media personality na si Marlou Arizala o kilala rin bilang “ Xander Ford” batay sa kaniyang latest Instagram post noong Miyerkules, Enero 3.

Ayon kasi sa kaniya, hindi na raw siya namasko pa sa ninong at ninang ng anak niya dahil tila minamasama raw ito ng ibang tao.

“Di na kami Namasko sa mga Ninong/Ninang Kasi pag sa ibang vloger ok lang silang humingi ng aginaldo pero pag sa amin mukang pera mahirap walang wala,” saad ni Xander.

Dagdag pa niya: “Hindi siguro para sa amin yung Pasko at Aginaldo Ito nalang ang meron kami Ang mag kakasamang tatlo Ito yung maganda Aginaldo sa buong buhay namin.”

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Xander. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“God has a plan for all of us, maybe wala pa sa ngayon tiis lang at ibibigay nya din ang sa inyu 🙏”

“Tama yan! 👍🏻”

“Mg trabaho para hindi mukha g kawawa ang anak at asawa nko. Lahat tayo may purpose sa buhay hanapin mo yun”

“sadboy”

“hayaan Yung mga ninong or ninang magbigay Ng kusang loob s anak mo.. Ang regalo Kasi Hindu Yan hinihingi..”

“Merry Christmas and Happy new year❤️ Hayaan mo nlng mga Judgemental Sayo MAs masarap ang pagpapala ng Lord sa knya sa Dios magtiwala!pede Kayo mag pamilya mag blog Nlng !at gawin maganda blog nyo! ❤️❤️❤️❤️”

“Grabe naman pati anak nyo dinadamay🥲”

“They should spare your kid from bullying”

Matatandaang noong binyag ng anak ni Xander noong nakaraang taon ay naglabas din siya ng sama ng loob.

MAKI-BALITA: ‘Ininjan ng mga inimbitahan?’ Xander Ford naghimutok sa binyag ng anak

Pagkatapos maghimutok, nagpatulong siya na mahabol ang ipinangakong ₱349k ng kapuwa niya social media personality na si “Makagwapo” o Christian Merck.

MAKI-BALITA: Xander Ford nagpasaklolo para mahabol sa ninong ng anak ipinangakong ₱349k

Pumalag naman si Makagwapo kay Xander at sinabing hindi raw niya responsibilidad ang anak nito.

MAKI-BALITA: Makagwapo kay Xander Ford: ‘Hindi ko responsibilidad ang anak mo!’