Dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil na rin sa naranasang blackout sa isla ng Panay kamakailan.

Sa isang video message ni Marcos nitong Biyernes, binanggit nito na hindi nagampanan nang husto ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kanilang trabaho na nagresulta sa malawakang brownout sa isla ng Panay nitong Enero 2.

Aniya, nalugi ang mga negosyo sa Western Visayas dahil na rin sa naturang blackout.

Binanggit ni Marcos na hindi naagapan ng NGCP ang malawakang power outage sa kabila ng crucial 2-hour window nito.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Nangyari na rin aniya ang insidente sa naturang lugar noong Abril 2023 kaya't nangako ang NGCP na hindi na mauulit ang insidente dahil tinatapos na ang Panay-Negros-Cebu interconnections sa pagsapit ng Agosto 2023.

Paliwanag ng Pangulo, hindi natupad ang pangako ng NGCP at naulit ang insidente nitong Enero.

“I have also directed the ERC to complete the reset of NGCP’s rates without further delay, to ensure NGCP’s compliance with its statutory and regulatory obligations, and to defend in no uncertain terms against any attempt to defer, delay, or prevent the implementation of regulatory measures," ani Marcos.

Idinagdag pa ni Marcos na nagsisikap na ang gobyerno upang ito ay masolusyunan.