Ipinaliwanag ni MDA acting chairman Romando Artes, nasa 800 tauhan ng ahensya ang ikakalat sa lungsod ng Maynila upang magmando ng trapiko at tumugon sa mga posibleng emergency.
Aniya, magpapakalat din sila ng mga ambulansya, road emergency and patrol vehicles, maliban pa sa kanilang traffic and emergency assistance group.
Naka-monitor din aniya sila command center ng ahensya na tututok sa pinakahuling sitwasyon sa isasagawang Traslacion.
Inumpisahan na rin ng ahensya ang sidewalk clearing operations sa mga dadaanan ng Traslacion.