Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng hapon, Enero 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 3:32 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 51 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur, na may lalim na 10 kilometro.

Naiulat ang Intensity IV sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa City of Bislig, SURIGAO DEL SUR.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Kaugnay na Balita: