Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Huwebes ng umaga, Enero 4, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:32 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 5 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Lingid, Surigao del Sur na may lalim na 31 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang mula nang yanigin ng magnitude 7.4 na lindol ang baybayin ng probinsya noong Disyembre 2, 2023, sinundan na ito ng mga aftershock at iba pang lindol na tumama sa lugar.