Naniniwala ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio na hindi dapat gawing pang-asar sa mga tao ang pagiging "bakla," "mataba," o "pangit" ng isang tao.

Nasabi ito ni Derrick matapos siyang matanong ni "Fast Talk with Boy Abunda" tungkol sa kaniyang sekswalidad na matagal nang kinukuwestyon ng mga tao.

Nilinaw naman ni Derrick na hindi siya gay, at nadidismaya siya sa mga taong ginagawang insulto ang pagiging bakla.

"Mas naba-bother ako sa fact na bakit nila ginagamit na pang asar ang pagiging bakla? Eh, wala naman masama do'n," ani Derrick.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

“Siguro, kailangan mas maging open minded na ang mga tao ngayon, Tito Boy, hindi okay kapag gagamitin mong pang-asar ang pagiging bakla, pagiging mataba, pagiging pangit kasi there’s no such things eh, illusion siya," aniya pa.

MAKI-BALITA: Derrick Monasterio may nilinaw tungkol sa sekswalidad niya