Kinaaliwan sa social media ang post ng netizen na si Chester dela Rea Jr., 20, mula sa General Trias City, Cavite, tampok ang pagpapa-tarpaulin niya sa nagtatampong girlfriend.

Sa Facebook post ni Dela Rea, nakalagay sa tarpaulin ang: “Happy 2nd Monthsary to My Baby. SK COUNCILOR EUNITA “NENE” BARCELONA.” 

“Wag ka na magalit Eunita Jean Puspos Barcelona ayan pina tarpaulin na kita Happy 2nd Monthsary!!!” caption naman ni Dela Rea sa kaniyang post.

Sa panayam naman ng Manila Bulletin kay Dela Rea, sinabi nitong pinagawa niya ang naturang tarpaulin bilang paghingi niya ng tawad sa kaniyang girlfriend na nagtampo raw sa kaniya dahil na-late siya sa kanilang Metro Manila Film Festival movie date.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

“Na-late po ako ng gising, 8:00 a.m. po ang call time namin, 10:00 a.m. po ako nagising kaya nagtatampo po siya,” ani Dela Rea sa Manila Bulletin.

“Biniro ko po siya na ipapa-tarpaulin ko siya, akala niya biro-biro lang pero tinotoo ko ngayong second monthsary,” dagdag niya.

Agad namang nag-viral ang nasabing post ni Dela Rea, kung saan habang sinusulat ito’y mayroon na itong mahigit 25,000 reactions, 2,200 comments, at 9,700 shares.