Ipinagmalaki ng Malacañang ang nakumpiskang mahigit ₱10 bilyong halaga ng ilegal na droga noong 2023.

Sa social media post ng Presidential Communications Office (PCO), binanggit na nawala na rin ang banta ng illegal drugs sa mahigit 27,000 barangay sa ilalim ng anti-drug campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nakaaresto rin ang mga awtoridad ng 56,495 suspek sa 44 anti-illegal drug operations mula Enero hanggang Disyembre 2023.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Bukod sa kampanya laban sa mga top-level drug personality, pinaigting din ng PDEA ang financial investigation nito laban sa sindikato upang hindi na magamit ang kanilang assets.

Paglilinaw ng Malacañang, resulta lamang ito ng pagtutulungan ng mga tauhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Dangerous Drugs Board (DDB), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP).