Nagsadya ang dating child star na si Jiro Manio sa "Pinoy Pawnstars' para ipagbenta ang kaniyang tropeo ng Gawad Urian.

Ang nabanggit na tropeo ay natanggap ni Jiro nang manalo siya bilang "Best Actor" sa kaniyang pagganap sa pelikulang "Magnifico" noong 2004.

Sa ngayon daw ay hindi na aktibo sa pag-aartista si Jiro subalit siya ay nagtatrabaho bilang volunteer sa isang departamento ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay kinakailangan daw niyang kumayod para sa kaniyang pamilya kaya naisipan niyang ipagbenta ang tropeo kay Boss Toyo bilang karagdagang kita.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang tanungin siya ni Boss Toyo kung magkano niya ibinebenta ang tropeo, sinabi niyang ₱500k daw.

Ngunit tila napaisip naman si Boss Toyo. Kung siya lang daw ang masusunod, ibibigay niya ang presyuhan ni Jiro subalit tila sinasabi ni Boss Toyo na pagdating sa negosyo, kailangan daw niyang maging praktikal.

₱50k ang unang alok ni Boss Toyo, subalit tila nadehado rito si Jiro kaya itinaas niya ng ₱100k.

Humirit pa si Boss Toyo ng ₱60k hanggang ₱70k, hanggang sa nagsara sila sa deal na ₱75k dahil sinabi ni Boss Toyo na last price na raw ito.

Sa comment section, marami naman sa mga netizen ang nanghihinayang para kay Jiro, na noon ay napabalitang nalulong sa bisyo at tinulungan pa nga ni Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas.

"solid to si jiro. konting diet lang at gym bumalik ka sa pag arte madami kami naniniwala sayo napakahusya mo.. sana going straight ka na idol iwanan mo na ang pinagbabawal na gamot... god bless you jiro!"

"Lahat nang bgay na nangyayari sa buhay na pag kakamali, may pag asa. Jero is the one best child actor and hopefully he had another chance to show his talent in showbiz🙏 we always support u jero, batang 90's 👐👌❤."

"Sana Kunin ka ni Mr.Coco Martin mabigyan ka uli ng break ulit . Napaka galing mo actor alam nmen na kaya mo uli bumalik sa pag artista . Malaki na nabago sa sarili mo ngaun tuloy tuloy mo lang idol at lagi ka mag dasal . God less boss Toyo❤️"

"May chance ka pa Jiro! Sana bumalik ka sa pag-arte."

Matatandaang sa Pinoy Pawnstars din ni Boss Toyo naitampok ang sinasabing anak ni Francis Magalona matapos ipagbenta ni Abegail Rait ang isang memorabilia ng nasirang ex-partner.

MAKI-BALITA: Ex-lover daw, lumantad! Francis M, may anak sa labas?