Naglabas ang Netflix, isang online streaming platform, ng isang maikling video na tila pasilip sa season 2 ng “Gyeongseong Creature”.

Sa ibinahaging video ng Netflix nitong Miyerkules, Enero 3, makikitang tampok doon ang aktres na si Maja Salvador.

“Sandale! Kalma lang kayo! 😆 Dumaan lang si Maja sa Onseong Hospital,” saad ng Netfilix.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Dagdag pa nila: Park “Seo-jun and Han So-hee take a minor detour before Gyeongseong Creature Part 2 arrives on January 5 🏥🌸”

Kaya naman, maraming Pilipinong netizen ang natuwa sa nasabing video dahil sa posibleng appearance ni Maja sa series. Pero ayon naman sa ilan, promotional video lang daw ng Netflix ito.

Kilala kasi ang nasabing online streaming platform sa pagtatampok ng mga Pinoy celebrity gaya ni Derek Ramsay para sa promotion ng pelikulang “Extraction 2”.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizen:

“Can't wait Maja Salvador”

“Philippines creature kapag naririnig ko mga manananggal ka pre dwende at Iba pa hehehe.”

“Congrats Kay Maja💖💖💖”

“I can't wait for maja Salvador..so excited”

“nauto sila sa nasabing 'Special Apperance' ni Maj😂😂”

“Oh kitam! Promotion lng pla”

“Lalamunin sila ni Maja sa acting pag trulaloo yan.”

“Oh Mygod’ so Maha is aswang ba or something like creatures sya dito. Or what so ever basta Nakaka excite naman .👏👏😍😍”

“Daming nauto Dito 😀😂 Buti nlang nag basa basa Ako 😀😂”

“napadaan lang pala Salvi darl 🙂”

“See, it's only a promotion “

Nakasentro ang kuwento ng "Gyeongseong Creature" sa panahon ng pananakop ng Japan sa Korea kung saan may dalawang kabataang makikipaglaban sa mga halimaw sa siyudad ng Gyeongseong na ngayon ay Seoul.