Nanawagan ang isang kongresista na dapat ay mahigpit na ipatupad ang mga batas at hakbang para sa pagtitipid ng tubig at kuryente.

Ito’y bunsod na rin ng inaasahang epekto ng mas matinding El Niño phenomenon ngayong taon.

Binigyang-diin ni House Committee on Ecology chairwoman, Biñan City (Lone District) Rep. Marlyn Alonte, mahalaga na simulan ang water at energy conservation bilang paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad.

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Maliban aniya sa El Niño, kailangan ding paghandaan ang La Niña na mayroon ding hatid na matinding pinsala sa bansa.

Binanggit pa ng kongresista, maaaring gamitin ng mga local government unit (LGU) ang bilyong dolyar na pondo ng World Bank para sa climate change at disaster management.

Kamakailan, inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararamdaman ang matinding epekto ng El Niño hanggang Marso ng taon kung saan nasa 63 probinsya ang inaasahang makaranas ng tagtuyot.