Pinalagan ni Janno Gibbs ang isang netizen matapos punahin ang pagbabakasyon niya sa Japan kasama ang pamilya matapos ang pagpanaw ng kaniyang ama na si Ronaldo Valdez.

Sa isang Instagram post, nag-post si Janno ng kanilang family picture habang sa Universal Studios sa Japan at bumati sa mga followers niya nitong Bagong Taon.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

“Happy New Year from The Gibbs and our extended fam 🙌❤️🎉”

Sa naturang post, nag-iwan ng komento ang isang netizen.

“Your father just passed away,” aniya.

Reply naman ni Janno, “ I know. And?”

“Sadness does not seem to exist… not judging maybe behind each posts you’re all still crying inside,” tugon naman ng netizen.

“You are judging. Shame on you,” sagot naman ni Janno.

Matatandaang pumanaw si Ronaldo noong Disyembre 17, sa edad na 76.

Maki-Balita: Veteran actor Ronaldo Valdez, pumanaw na

Kinumpirma rin mismo ni Janno ang pagpanaw ng kaniyang ama noong Disyembre 18.

Maki-Balita: Janno Gibbs, kinumpirma pagpanaw ng ama

Samantala, bago pumanaw ang ama, nauna nang ibinahagi ni Janno na mayroon silang nagawang pelikula na nakatakda sanang mapanood ngayong Enero 2024.

Maki-Balita: Janno Gibbs, Ronaldo Valdez nakagawa pa ng pelikula