Sinagot ng ina ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati ang isang netizen na nagkomento sa Instagram post ng kaniyang anak kamakailan.

Makikita kasi sa Instagram account ni Sarah ang ibinahagi niyang larawan noong Pasko kasama ang mga anak niyang sina Zion at Kai.

Sey ng netizen: “Bilang babae matatanggap ko siguro ung mga mali ng asawa ko pero ung ipa DNA test ung anak ko kc baka hindi daw anak ng asawa ko??? It's too much to bare.”

“Grabe!❤️bakit kaya galit sya kay Sarah?eh hindi nga pinapayagan si Sarah na walang bidy guard ngayon na lang na yan nakakalabas kasama pa kami.grabe! Sobrang seloso.tapos magpapa DNA? baka mapahiya sila!❤️❤️❤️” sagot naman ni Esther

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Hindi malinaw kung sino ang “siya” na tinutukoy ni Esther sa kaniyang komento. Pero matatandaang may kumalat na tsikang pina-DNA test umano ni Annabelle Rama ang bunsong anak ni Sarah sa anak nitong si Richard Gutierrez.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Lunes, Enero 1, pinag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh ang tungkol sa isyung ito.

Pero ayon kay Ogie: “Sabi ng aking source, hindi raw totoo ‘yun dahil hindi kinukwestiyon daw ni Richard.”

“Hindi naman daw kasi ‘yun ang isyu. ‘Yun lang ang bahagi ng ibinabatong bashing sa kaniya,” dagdag pa niya.

Matatandaang nagsimulang umugong ang balitang hiwalay na sina Sarah at Richard noong mapansin ng mga netizen na hindi na sila nagsasama sa mga picture na ibinabahagi nila sa kanilang social media accounts.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Bagama’t wala pa rin namang inilalabas na opisyal na pahayag ang magkabilang panig hanggang ngayon, may lumitaw na ulat na ang dahilan daw ng hiwalayan ng mag-asawa ay ang ina ni Richard na si Annabelle.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, itinuturong dahilan ng hiwalayang Richard, Sarah?