Nasa punto na raw si Asia’s Multimedia Star Alden Richards na hindi na niya tatanggalin pa kung ano ang nakakapagpasaya sa mga tao.

Sa latest episode kasi ng Toni Talks nitong Martes, Enero 2, naungkat ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang tungkol sa tsismis na may anak umano si Alden sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza.

“Ang daming crazy rumors sa inyo. At saka ‘yung iba naniniwalang totoo ‘yung rumors, ha. Alam mo ‘yung number one, may anak kayo. At kasal kayo. Grabe ‘yun. Ang tagal nag-linger n’on…May narrative talaga,” saad ni Toni.

“Mayroon silang sarili nilang storytelling,” sabi ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Akala nga ni Alden, mawawala raw ang tsismis tungkol dito noong isapubliko na ni Maine ang relasyon sa aktor na si Alden na ngayon ay asawa na nito.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza at Arjo Atayde, officially married na!

“Hindi nawala?” usisa ni Toni.

“Nandyan pa rin. I already said my piece about this. It’s not true, wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak. We never got married. We don’t have a love child,” pahayag ni Alden.

“But right now po, I’m at that a point na masaya po sila doon, e. Tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na ‘wala nga, wag kayong makulit.’ I’m not that kind of person. I always support happiness of people,” dagdag pa niya.

Matatandaang bago pa man makapanayam ni Toni si Alden, ilang ulit na ring pinabulaanan ng aktor ang isyung ito tungkol sa kanila ni Maine.

MAKI-BALITA: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards

MAKI-BALITA: Alden Richards, tinuldukan na ang isyu na ikinasal at may anak sila ni Maine Mendoza

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, isiniwalat naman ni Alden kung anong isyu ang kinauumayan na niyang marinig mula sa mga tao.

MAKI-BALITA: Alden sa mga umiintriga sa kasarian niya: ‘Wala na bang iba?’