Isiniwalat ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards kung anong isyu ang kinauumayan na niyang marinig pa mula sa ibang tao.

Sa latest episode kasi ng Toni Talks nitong Martes, Enero 2, inusisa ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga si Alden tungkol sa bagay na ito.

“What are you tired hearing about?” tanong ni Toni.

“Sa gender issue,” sagot ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Tingin n’yo ganoon? Fine. Tingin n’yo bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan ‘pag may mga rumors, wala na bang iba?” aniya.

Wala pa rin kasing nagiging girlfriend si Alden sa showbiz kahit maraming nali-link sa kaniyang aktres lalo na ang mga nakakatrabaho niya. Hindi tuloy maiwasan ng mga tao na intrigahan ang pagkalalaki niya.

Dahil gaya nga ng sabi ni Toni: “Sa showbiz, ‘pag lalaki tapos walang girlfriend ‘kasi ganito siya’.”

Pero dahil nasa punto na raw si Alden na kung doon sasaya ang mga tao sa tsismis, hinahayaan na niya. Pagod na siyang i-please pa silang maniwala sa paliwanag niya.

“I have my life right now. I am happy. Perfectly happy with what I have, what I am able to do at the moment. I seize every opportunity,” saad pa ni Alden.

Hindi na kasi talaga makokontrol pa ni Alden ang pagkalat ng kung ano-anong tsismis. Isa pa, mas kilala naman daw niya ang sarili niya at may mga tao ring mas nakakakilala sa kaniya na alam kung ano ang totoo.

Bukod sa gender issue, matatandaang may mga lumitaw ding kuwento na kasal at may anak na umano si Alden sa dati niyang ka-love team na si Maine Mendoza. 

Bagama’t ilang beses na itong pinabulaanan ng aktor, may mga tao pa rin daw na naniniwala sa tsismis na ito ayon mismo kay Alden. 

MAKI-BALITA: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards

MAKI-BALITA: Alden Richards, tinuldukan na ang isyu na ikinasal at may anak sila ni Maine Mendoza