Tila hindi kumbinsido ang social media personality na si Xian Gaza na totoong napa-prank si “FPJ’s Batang Quiapo” star Ivana Alawi.

Sa Facebook post ni Xian kamakailan, nagpahayag siya ng saloobin hinggil sa mga ginagawang prank kay Ivana.

“Tumanda na kami't lahat eh napa-prank pa rin si Ivana mga tanga lang maniniwala diyan,” ani Xian.

“Alam ko ang kalakaran ng prank content sinetup muna yan with Marian Rivera beforehand kasi win win situation at kailangan din i-promote yung pelikula niya,” saad niya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa ni Xian sa comment section, ‘yung mga tangang naniniwala raw sa mga prank kay Ivana ay walang pinagkaiba doon sa mga netizen na naniniwala sa mga kumakalat na pekeng art card tungkol kay Skusta Clee na humihingi ng third chance sa dating jowa nitong si Zeinab Harake.

“Ang malupit diyan eh naniwala rin sila na si Zeinab talaga ang nagsabi nung rebut mga certified tanga talaga,” saad pa niya.

Matatandaang tinarayan at pinaiyak ni Marian si Ivana sa latest vlog nito. But it turns out na prank lang daw pala ‘yun.

MAKI-BALITA: Marian Rivera, tinarayan at pinaiyak si Ivana Alawi

Sa simula pa lang ng video ay nagpahayag na agad ng kaba si Ivana dahil for the first time ay nakasama niya ang idol niya sa isang vlog.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, kinabahan kay Marian Rivera