Pinasalamatan ni Vice President Sara Duterte ang mga nagmahal, sumuporta at patuloy raw na nagtiwala sa kaniya sa nakalipas na taong 2023.

Sa kaniyang Facebook post nitong Lunes, Enero 1, 2024, nagbahagi si Duterte ng isang video na nagpapakita ng ilang mga lugar o bundok sa Pilipinas na napuntahan o naakyat niya nitong nakaraang taon.

“Bagong simula, bagong pag-asa,” saad ng bise presidente sa kaniyang post.

“Maraming salamat sa pagmamahal, suporta at patuloy na pagtitiwala sa nakalipas na taong 2023,” dagdag niya.

National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Sa kaparehong post ay inihayag din ni Duterte ang kaniyang pasasalamat sa 2023, kung saan nakaranas daw siya ng mga pagsubok at mga tagumpay.

“Merong mga pagsubok pero meron ding mga tagumpay. Ako ay naniniwala sa tibay at puso na meron tayong mga Pilipino,” ani Duterte.

“Maraming maraming salamat sa nakalipas na taong 2023,” saad pa niya.