Kasabay ng pagkubra ng premyo, pinatunayan ng lucky winner mula sa Albay na totoong may nananalo sa lotto.

Sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Enero 2, kinubra na ng nag-iisang lucky winner ang premyo nitong ₱571-M na tinamaan niya sa Ultra Lotto 6/58 noong Disyembre 29.

Probinsya

Mga mananaya mula Albay at South Cotabato, wagi ng ₱571M at ₱23M sa lotto

Nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 19 – 35 – 25 – 42 – 58 – 05.

Maki-Balita: Mga mananaya mula Albay at South Cotabato, wagi ng ₱571M at ₱23M sa lotto

"Ang masasabi ko lang sa mga nagsasabi na hindi totoo ang mga nanalo sa Lotto ay nagkakamali po kayo," anang lucky winner.

"Kailangan niyo tumaya para malaman niyo na totoo ang lotto,” dagdag pa nito.

Apat na taon na rin daw tumataya sa Scratch It games ang lucky winner at pangalawang beses pa lang daw nitong tumaya sa lotto gamit ang lucky pick betting system ng PCSO.

Samantala, ang lahat ng premyong lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.