Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Martes ng umaga, Enero 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:49 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 84 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur na may lalim na 30 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Kaugnay na Balita: