Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nag-away at nagkahiwalay sila ng mister na si Atty. Kiko Pangilinan noong 2023, nang magsagawa sila ng live ng kaniyang pamilya upang bumati ng "Happy New Year."

Nasa hotel room ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak na sina Miel, Frankie at Miguel.

Ipinaliwanag ni Mega na ang ilan daw sa kaniyang mga cryptic post noon ay dala lamang ng kaniyang emosyon, at ang iba naman, para sa ibang taong malapit sa kaniya na may pinagdadaanan.

Bagama't nag-away at nagkahiwalay, sinabi naman ni Shawie na nagkaayos naman na sila at hindi nauwi sa split ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Nag-away kami, naghiwalay kami tapos nagbati na kami so okay na kami," diretsahang pag-amin ni Shawie sa kaniyang Instagram Live.

Sa palagay niya ay normal lang naman ang maging malungkot sa isang tao kaya nagtataka siya kung bakit big deal ang mga pino-post niya sa iba.

Singit naman ni Kiko, lahat naman daw ng mag-asawa ay nagkakatampuhan talaga.

Sa huli, wish ng pamilya Cuneta-Pangilinan na maayos, ligtas, at masaya ang lahat ng pamilya.

Nagbigay naman ng mensahe para sa kanila ang mga netizen.

"Mr Kiko is so good of a partner for you. He balances you out in so many ways. Have a great time together as a family."

"We love you, Ate Sharon. Importante kaming Sharonians ang nakakaintindi sayo. Happy New Year, Pangilinan family. A blessed 2024 to us."

"May God grant you & your family’s heart’s desire. May He keep you in His tender loving care always! So glad to see Kaki & Miel grow up to become fine ladies! (TLT mom here."