Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga apektado ng magnitude 7.6 na lindol na tumama sa bansang Japan nitong Lunes, Enero 1, 2024.
“We are deeply saddened to hear of the magnitude 7.6 earthquake in Japan on New Year's Day,” ani Marcos sa kaniyang X post nitong Martes, Enero 2.
Ayon pa sa pangulo, nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad sa Japan para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa naturang bansa.
“We are in close collaboration with the Japanese government to secure the welfare of our kababayans, who thankfully remain unharmed,” ani Marcos.
“We have made the offer to assist in any way that we can. In the face of shared climate challenges within the Pacific Ring of Fire, we stand united with Japan and stay ready to provide support from the Philippines,” saad pa niya.
Matatandaang tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa rehiyon ng Noto sa Ishikawa prefecture sa bahagi ng Sea of Japan bandang 4:10 ng hapon (0710 GMT).
Agad na naglabas ang Meteorological Agency ng Japan ng tsunami warning sa western coastal regions.
Makalipas lamang ang 10 minuto, naiulat ang unang tsunami waves sa western coastal regions, na umabot daw sa apat na talampakan ang taas.
Nito lamang Martes ng umaga nang alisin ng ahensya ang lahat ng tsunami advisories kaugnay ng naturang lindol.
Inihayag naman ng Japan Meteorological Office nitong Martes na umabot na rin umano sa 155 ang bilang ng mga pagyanig sa lugar, kasama na ang nasabing malakas na lindol.