Nananatiling ligtas ang mga Pilipino sa Japan matapos yumanig ang magnitude 7.6 na lindol sa coastal prefecture ng Ishikawa nitong Lunes, Enero 1, 2024.

Kinumpirma ito ni Philippine Ambassador to Tokyo Mylene Garcia-Albano nitong Martes, Enero 2.

Ayon kay Albano, walang natatanggang ang embahada na anumang ulat na may nasaktan mula sa 1,300 mga Pinoy sa Ishikawa.

Gayunpaman, may ilang mga Pilipino umanong lumikas dahil sa advisory na inilabas ng pamahalaan ng Japan.

Internasyonal

Mga lindol na yumanig sa Japan, umabot na sa 155

Siniguro naman ni Albado sa mga Pinoy sa Japan na nakahanda ang embahada upang magpaabot ng tulong sa sinumang nangangailangan.

Matatandaang tumama ang magnitude 7.6 na lindol sa rehiyon ng Noto sa Ishikawa prefecture sa bahagi ng Sea of Japan bandang 4:10 ng hapon (0710 GMT).

Agad na naglabas ang Meteorological Agency ng Japan ng tsunami warning sa western coastal regions.

Makalipas lamang ang 10 minuto, naiulat ang unang tsunami waves sa western coastal regions, na umabot daw sa apat na talampakan ang taas.

Nito lamang Martes ng umaga nang alisin ng ahensya ang lahat ng tsunami advisories kaugnay ng naturang lindol.

Inihayag naman ng Japan Meteorological Office nitong Martes na umabot na rin umano sa 155 ang bilang ng mga pagyanig sa lugar, kasama na ang nasabing malakas na lindol.

Hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa rin umano ang pag-rescue sa mga biktima sa lugar na hanggang ngayon ay nawawala.

"Ni-report pa rin po ni Prime Minister na he had deployed personnel from the Self-Defense Forces of Japan and sa mga police stations po nila, fire stations, to augment 'yung emergency assistance and personnel na nandoon na po sa affected region," ani Albano.

Samantala, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Martes, umabot na sa 30 ang bilang ng mga indibidwal dahil sa naturang malakas na pagyanig.

https://balita.net.ph/2024/01/02/mga-nasawi-sa-lindol-sa-japan-umabot-na-sa-30/

Nagpahayag naman ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga apektado ng naturang lindol.

https://balita.net.ph/2024/01/02/pbbm-nakiramay-sa-mga-apektado-ng-m7-6-na-lindol-sa-japan/