May ilang netizens ang nakapansin sa pagpuso ng talent manager-actress na si Annabelle Rama sa post ng kaniyang manugang na si Sarah Lahbati.

Nag-post kasi si Sarah sa Instagram nitong Lunes, Enero 1, ng mga kuhang larawan nila ng pamilya niya sa Bohol.

“1/366,” saad ni Sarah sa caption.

At tila natuwa nga ang mga netizen nang mapansing pinusuan ni Annabelle ang post ng manugang. Narito ang ilan sa  kanilang mga komento:

Quiboloy, nag-bible study habang nasa detention center

“Eeyy nka ❤️ na si mother in law”

“uu nga😍❤️”

“baka napindot kaka stalk 😅”

“Uyyyyyy ni❤️ na lagi si Madame @annabelleramaig 😍 Ilove this! Sana tuloy tuloy na. Family is everything and those 2 boys are precious than diamonds and gold.”

“Naglike na si madam Anabelle Rama”

“Nag-like si ms annabelle sa post mo, day @sarahlahbati Sana magkabati na kayo buong pamilya. There’s no better way to move forward than to be reunited with ur in-laws this 2024! ❤️”

“Aww nag heart si Mamshie Annabelle..❤️❤️”

Matatandaang kamakailan lang ay ipinahiwatig ng biyenan ni Sarah na si Annabelle Rama na hindi na nagsasama sa iisang bubong ang mag-asawa.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Nabanggit din ni Annabelle ang tungkol sa pagpunta sa Japan para i-celebrate ang holiday season kasama ang kaniyang pamilya “except for one”—na hindi naman niya tinukoy kung sino.

Bago pa man ito, naging maugong na ang usap-usapang hiwalay na raw si Richard kay Sarah simula noong mapansin ng mga netizen na hindi magkasama ang dalawa sa kanilang mga picture sa Instagram.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring tugon, reaksiyon, o pahayag sina Richard at Sarah tungkol dito.