Talagang natutuwa raw si Manay Lolit Solis sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes dahil sa pagiging totoo at matapang nito.

“Talagang natutuwa ako kay Andrea Brillantes Salve. Iyon mga ginagawa niya na shocking para sa iba, I find it cute. Very upfront siya, basta gusto niya gawin, ginagawa niya. Hindi siya tulad ng ibang artista na takot na baka mapintasan,” saad ni Lolit sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Enero 2.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Kung ano ang consequence ng ginawa niya, hinaharap niya. Hindi siya duwag na itinatago ang ginagawa. Para sa kanya kung anuman gawin niya, paninindigan niya,” sey pa niya.

Bukod dito, very natural daw ang tapang ng aktres sa mga issues kaya raw na-overshadow nito ang mga “prim and proper” na artista.

“Very natural ang tapang niya sa issues. Kaya naman na overshadow niya mga stars na prim and proper na kung minsan lumalabas tuloy na plastic,” anang talent manager.

Dagdag pa niya, “Being honest to yourself , iyan ang mantra ni Andrea Brillantes. Kaya bongga siya. Ituloy mo lang iyan Andrea, basta wala kang ginagawang masama, go for it. Bongga.”

Matatandaang noong Disyembre 2023, bina-bash umano si Lolit dahil kay Andrea.

“Kaloka talaga na parang national disaster ang break up ng Kathniel, Salve. Pero lalo ako naloka ng may magsabi sa akin na bina bash daw ako dahil mas pinupuri ko daw si Andrea Brillantes kesa kay Kathryn Bernardo,” saad ni Lolit.

MAKI-BALITA: Lolit Solis, bina-bash dahil kay Andrea

Nauna na ring nagpahayag ng pagkaawa si Lolit sa aktres.

MAKI-BALITA: Nakakaawa man: Andrea hot, wild at parang young bold star na pang-teeners daw