Bago matapos ang 2023 ay humingi ng tawad ang "benggador" na social media personality na si Rendon Labador sa lahat ng mga artista at celebrity na "nasaktan" niya sa social media, matapos silang sitahin sa mga isyung kinasangkutan nila.

"Bago mag bagong taon, susulitin ko na ang pagbabago ko. Gusto ko humiling ng paumanhin sa mga taong nasaktan ko (kung nasaktan ko man kayo),” saad ni Labador sa kaniyang Instagram story noong Disyembre 31, 2023.

Ang mga celebrity na nakatikim ng paninita mula sa kaniya ay sina ex-PBA player Marc Pingris o tinatawag na "Pinoy Sakuragi," volleyball star Deanna Wong, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Paolo Contis, Andrea Brillantes, Lea Salonga, Cristy Fermin, Rosmar Tan-Pamulaklakin, Michael V, Kakai Bautista, Coco Martin, at mag-jowang Vice Ganda at Ion Perez.

"Magbago na kayo para hindi na ako kailangan sumita pa. Pagbabago para sa Pilipinas," aniya pa.
National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'