Mukhang tuloy na tuloy na ang pagsasama nina Carla Abellana at Bea Alonzo sa isang proyekto.
Mula mismo iyan kay Carla matapos niyang mag-post sa Instagram tungkol dito.
Magsasama-sama sila nina Bea at Gabbi Garcia sa isang intense drama sa GMA Prime na "The Widows' War."
Bukod dito, kahit walang network contract ay mananatiling Kapuso si Carla.
"The cats are now out of the bag. Yes, cats with an S. š," anang Carla sa kaniyang Instagram post.
1. Iām still a KAPUSO š
2. Iām finally going to be working with THE Bea Alonzo š
"Lord, THANK YOU šš»," aniya.
Matatandaang sa naging vlog ni Bea kung saan nakapanayam niya sa lie detector test si Carla, nanawagan ang dalawa sa GMA na baka naman puwede silang pagsamahin sa isang proyekto. Mukhang dininig naman ng GMA ang panawagan ng dalawa.