Umaasam pa rin si Rose Camilon, nanay ng nawawalang beauty queen-teacher na si Catherine Camilon, na muli niyang makakasama ang anak.

"Anak miss na miss kn nmin❤️❤️❤️mahal na mahal ka nmin❤️❤️❤️lagi kong dalangin sa ating mahal na Panginoon na ikaw eh mkasama na ulit nmin🙏🙏🙏," aniya sa kaniyang Facebook post.

Maging ang kapatid na babae ni Catherine na si Chin-Chin Camilon ay nag-post na rin ng New Year's message para sa nawawalang kapatid.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

"Happy New Year Catherine, i love you so much at miss na miss na kita. hanggang october lang inabot ng picture mo, next year sana kompleto na," aniya sa kaniyang Facebook post.

Matatandaang noong Oktubre 2023 pa nawawala ang kaniyang anak na contestant ng Miss Grand Philippines 2023.

MAKI-BALITA: Kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 ilang araw nang nawawala

Dinakip naman ang pulis na jowa nitong si Police Major Allan De Castro dahil siya ang pangunahing suspek sa pagkawala ni Catherin, subalit hindi siya sumipot sa preliminary investigation.

MAKI-BALITA: Pulis na posibleng suspek sa pagkawala ng beauty queen sa Batangas, sinibak