* Trigger warning: Ang artikulong ito ay naglalaman ng usapin hinggil sa depresyon at suicide.

Umamin ang aktres na si Iza Calzado na may panahon sa buhay niya na natakot daw siyang maging ina.

Sa latest episode ng “Toni Talks” ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga nitong Linggo, Disyembre 31, nabanggit ni Iza ang tungkol dito.

Naungkat kasi ni Toni ang panayam ni Iza noong 2019 sa “She Talks Asia”. 

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Doon ay inamin niya sa kauna-unahang pagkakataon na dumaan daw sa depresyon ang kaniyang nanay at kalaunan ay pumanaw noong 2001 dahil sa suicide bagama’t ayon sa inisyal na ulat na lumabas ay cancer umano ang dahilan ng pagkamatay nito.

“That’s one of the reasons why I was so scared to be a mom,” lahad ni Iza.

“Dahil?” sundot na tanong ni Toni.

“Because I was afraid I would end up like her. I was afraid…something would happen to me mentally. Yeah, I was scared,” tugon ni Iza.

Dagdag pa niya: “I was scared that I went through, my child may go through, you know, all these fears.”

At kalaunan, marere-realize niya raw ang isang linya ng karakter niyang si Patty sa pelikulang “Starting Over Again” na “In love, there is no fear”.

“But I was operating from a place of fear for the longest time. And you know noong nabuntis ako, sabi ko: ‘Grabe, ito pala ang so much love resides in me that I didn’t even know existed before’,” aniya.

Kaya sa huli, napatunayan ni Iza na talagang “love trumps fear”. 

Sa kasalukuyan, mag-iisang taon na sa Enero 26 ang anak nila ni Ben Wintle na si Deia Amihan.

MAKI-BALITA: ‘Baby Amihan’ ng mag-asawang Iza Calzado at Ben Wintle, ipinasilip na sa publiko