Ibinahagi ng talent manager-actress na si Annabelle Rama ang mga kuha nilang larawan ng pamilya niya sa Tokyo, Japan kung saan nila ginugol ang kanilang holiday season

Sa Instagram post ni Annabelle nitong Linggo, Disyembre 31, sinabi niyang masaya raw siya dahil kasama niya ang kaniyang one and only.

“Christmas and New Year in Tokyo with my one and only, Eduardo [Gutierrez].❤️ Kaya happy ako. Hindi na kailangan sabihin diba? Kita nyo naman!!🤩🥰🌹” ani Annabelle. 

Dagdag pa niya: “Our first time to stay at @aoyamagrand with my family ✨The best breakfast, Japanese dinner and fast, friendly service! Sana next year makabalik kami na kumpleto ang family. Puhon puhon. 🥳 Shopping muna ako, ‘Day. Bye!👋🏼 #GutzInTokyo.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Martes, Sept. 17

Matatandaang nauna nang banggitin ni Annabelle ang tungkol sa pagpunta nila ng Japan nang makapanayam siya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News.

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati ‘di na magkasama sa iisang bubong?

Mapapansin naman na wala sa larawan ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati dahil kung matatandaan ay matagal nang umuugong ang bali-balitang hiwalay na ang dalawa.

MAKI-BALITA: Richard at Sarah ayaw tantanan ng mga marites sa isyung hiwalay na

Sa katunayan, hindi kasama si Richard sa in-upload ni Sarah na family photo sa Instagram noong nagdaang Pasko.

MAKI-BALITA: Ina ni Sarah, isiniwalat arrangement ng anak kay Richard

Pero hanggang ngayon, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa ring opisyal na pahayag, tugon, o reaksiyon sina Richard at Sarah hinggil dito.