Ipinaliwanag ni DOH Undersecretary Eric Tayag, bukod sa pinsala sa kanang kamay, nasugatan din ang leeg ng nasabing bata.
Sa datos ng DOH, nasa 115 na ang nasabugan ng mga ilegal na paputok sa buong bansa.
Pinakamarami aniya ang naitalang kaso sa Metro Manila, Central Luzon, Ilocos Region, Soccsksargen, at Calabarzon (Region 4A).
Gayunman, nilinaw ni Tayag na nananatiling mababa ang bilang ng mga kaso ngayong taon kumpara sa 307 noong 2022.
Aniya, kung magtutuloy-tuloy ang trend ng mga kaso ng mga naputukan ay maaaring hindi na lumagpas ang bilang ng mga ito sa 400 kada taon.
Kaugnay nito, hinikayat nito ang publiko na gumamit na lamang ng ibang pampaingay tulad ng torotot sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas sa anumang aksidente.