Sa ika-127 komemorasyon ng Rizal Day nitong Sabado, Disyembre 30, hinikayat ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga Pilipinong ipagpatuloy ang laban ng dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal.

“Ngayong Rizal Day, alalahanin natin ang buong-pusong pagmamahal ni Dr. Jose Rizal sa ating bayan, at kung paano niya ibinigay ang kanyang buhay para sa ating kalayaan,” ani Zubiri sa isang Facebook post.

Ayon pa sa senador, hindi raw dapat mauwi sa wala ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Rizal para sa bansa.

“Ipagpatuloy po natin ang kanyang laban at huwag nating hayaang mauwi sa wala ang kanyang sakripisyo,” ani Zubiri.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

“Magkaisa tayo sa pagmamahal at sa pagtatanggol ng ating bayan at ng ating mga kapwa Pilipino,” dagdag pa niya.

Matatandaang Disyembre 30, 1896 nang barilin si Rizal sa Bagumbayan o Luneta. Siya ang sumulat ng mga akdang tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” mga nobelang naglantad sa mga kalupitan ng mga Kastilang mananakop, at gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.