Nagkaloob ang mga pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay sa kanilang mga parokyano nitong Sabado.

Kasabay na rin ito nang paggunita sa ika-127 taong anibersaryo ng pagiging martir ni Dr. Jose Rizal, o mas kilala sa tawag na Rizal Day.

Nabatid na nagsimula ang libreng sakay ng dalawang rail lines ng 7:00AM hanggang 9:00AM.

Muli naman itong ipatutupad mula 5:00PM hanggang 7:00PM mamaya.

National

Bagyong Gener, napanatili ang lakas; malapit na sa WPS

Ang LRT-2 ay bumabagtas mula sa Recto Avenue, sa Maynila hanggang sa Antipolo City at pabalik.

Ang MRT-3 naman ay bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, at siyang nagdudugtong sa Taft Avenue, Pasay City at North Avenue, Quezon City.