Sa ika-127 komemorasyon ng Rizal Day nitong Sabado, Disyembre 30, nanawagan si Senador Risa Hontiveros sa mga Pilipinong itaguyod ang pamana ni Dr. Jose Rizal sa Pilipinas.

“Pagpupugay sa ating minamahal na pambansang bayani — Jose Rizal!” paunang pahayag ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post.

Binanggit din ng senador na si Rizal ang nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga bayani ng bansa.

“Siya na unang nangarap ng malayang Pilipinas, nagbigay ng inspirasyon kay Gat Andres Bonifacio at sa Katipunan, nangusap sa mga kababaihan ng Malolos, nagbilin sa mga kabataang Pilipino,” ani Hontiveros.

National

‘Ikaw unang nang-iwan!’ PBBM, ‘gina-gaslight’ si VP Sara – Harry Roque

“Mga salinlahing Pilipino, itaguyod natin ang pamana ni Rizal! ✊🏼🇵🇭,” saad pa niya.

Matatandaang Disyembre 30, 1896 nang barilin si Rizal sa Bagumbayan o Luneta. Siya ang sumulat ng mga akdang tulad ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo,” mga nobelang naglantad sa mga kalupitan ng mga Kastilang mananakop, at gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.