Ibinahagi ni Rowena Guanzon ang kaniyang panaginip tungkol sa mga “kawatan” sa gobyerno.

“Nanaginip ako. Nag resign daw ang mga kawatan sa gobyerno sa New Year,” saad ni Guanzon sa kaniyang X post kalakip ang larawan niya.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1740871427157586406

'We will comply!' SILG Remulla, kikilos na sa pag-aresto kay Sen. Bato

Sa hiwalay namang post, sinabi niyang pinaghirapan daw niya ang vacation fund niya. Kasalukuyan kasi siyang nasa Japan.

“Wala po akong travel fund gaya ng isa dyan na may  4 Billion travel fund. Pinaghirapan ko po ang vacation fund ko,” aniya.

https://twitter.com/rowena_guanzon/status/1740882341051187661

Samantala, maraming netizens ang nag-reply sa post ni Guanzon, anila sana raw ay magkatotoo ang panaginip nito.