Isang mananaya ang tumama ng mahigit sa ₱571.5 milyong jackpot sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Biyernes ng gabi.

Nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na 19-35-25-42-58-05, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

National

‘Julian,’ itinaas na sa ‘typhoon’ category

Hindi pa inilalabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ilang impormasyon kaugnay sa pagkakakilanlan ng nasabing bagong milyonaryo.

Pinayuhan ng PCSO ang nanalo na magtungo na lamang sa main office ng ahensya sa Mandaluyong City, magdala lamang ng dalawang valid identification (ID), kasama na ang winning ticket upang makubra ang premyo.

Sinabi pa ng PCSO, babawasan ng 20 porsyentong buwis ang naturang premyo alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.