Pinusuan ng mga netizen ang Facebook post ng isang rider na nagngangalang Wilson Armendarez Dimo matapos niyang ibahagi ang kaniyang karanasan.

Aniya, sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapulot siya ng pitaka habang siya ay naghahanapbuhay.

May lamang pera at mahahalagang ID card ang nabanggit na pitaka na pagmamay-ari ng isang babae. Nahulog daw ang pitaka mula sa babaeng naging pasahero ng "habal-habal."

"Share ko lng ung 1st time ko mkapulot Ng wallet! Na nahulog Ng Isang pasahero Ng habal habal.. na may laman Pera at I.D," aniya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Nang buklatin ni Wilson ang pitaka, nakita nga niyang may lamang pera ito, kasama ang iba pang identification cards.

Hindi nagdalawang-isip ang rider na kontakin ang may-ari upang maisauli rito ang pitaka, kasama ang ID cards at pera; walang labis, walang kulang.

"Buti at may contact number si mam kaya natawagan ko at naibalik ko kagad sa kanya ung wallet nia na walang labis at wlang kulang!"

"Sana po mam nxt time ingatan nio po gamit nio para hndi malaglag..."

Dagdag pa niya, "KAHIT sa hirap Ng Buhay ngyon! Piliin pa Rin natin maging mabuting tao..."

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Good job Kua Wilson!"

"Sana dumami pa ang mga kagaya mong honest rider!"

"Plus 1,000,000 ka sa langit Kapitan Wilson Armendarez Dimo."

"Yan tlga dapat Wilson Armendarez Dimo mas maraming balik n blessings yan... Proud kami syo"

"saludo syo kuya wil.naway marami kapang wallet na mapulot at maisauli.pag palain ka palagi at ingatan sa lahat ng oras.sana dumami pa ang kagaya mo."

"Good job Kuya wills.. Kaya tuloy tuloy ang blessing n dumadating sayo.. Dahil napakabuti mong Tao.."

Good job, Wilson!