Matapos batiin ang mga anak kay Marjorie Barretto noong nagdaang Pasko, muling nag-post ang komedyanteng si Dennis Padilla ng mensahe sa mga anak, this time, indibidwal na naka-tag na sa kanila.

MAKI-BALITA: Dennis idinaan ulit sa socmed pagbati sa mga anak; dedma pa rin?

Makikita sa kaniyang Instagram posts ang individual Instagram posts niya para kina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Mensahe niya kay Leon na "nakasagutan" niya noon sa social media, "Merry Christmas my son... Miss you!! God bless you more Leon Marcux."

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Para kay Claudia naman, "Dear Claui... Merry Christmas anak... Hope we can talk soon... Miss you."

"Dear Juy... Merry Christmas and more blessings to 2024...love you," mensahe naman niya kay Julia.

Bukod sa kanila, may mensahe rin siya sa mga anak sa kaniyang non-showbiz partner.

Tila "naawa" naman ang mga netizen kay Dennis dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kinikibo ng mga anak.

May mga nagpayo naman sa kaniya na gawing personal na lamang ang pagbati sa mga anak at huwag nang ipadaan sa social media, para maiwasan na ring ma-bash ang mga anak.

Tiyak daw na may personal at malalim na dahilan ang mga anak kung bakit hindi sila nagrereply sa mga mensahe ng kanilang ama sa social media.

Kailangan daw sigurong iresolba ito sa pribadong pamamaraan at huwag nang idaan pa sa social media.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Nakakatuwa po kitang-kita po talaga sa inyo na proud na proud po kayo at mahal na mahal n'yo po mga anak n'yo. God bless po may the Lord grant your wishes po na makasama na sila."

"Nasa Nanay rin talaga kasi 'yan kung paano palakihin ang anak kita mo si Faith Da Silva, mahal na mahal n'ya ama kahit na di man lang sila nagkasama at nakakuulong pa ito makikita mo kung paano s'ya pinalaki ng nanay n'ya ng may mabuting puso."

"Talk to your kids PERSONALLY and PRIVATELY. Yun lang naman ang hinihingi ng mga anak n'ya. Don't bring your family issues in social media. Deal with them. Nasa Pilipinas naman kayo lahat."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Marjorie at mga anak nila ni Dennis tungkol dito.