Wala nang buhay ang South Korean actor na si Lee Sun-kyun nang matagpuan siya sa Waryong Park sa Jongno-gu nitong Miyerkules, Disyembre 27.

Pumanaw si Lee sa edad na 48.

Ayon sa ulat ng Yohnap News Agency, suicide ang isa raw sa mga tinitingnang dahilan ng pagkamatay ni Lee. Nag-iwan pa raw ang aktor ng "note that reads like a will".

Bago mangyari ang insidente, sumailalim si Lee sa imbestigasyon dahil umano sa pagkonsumo ng marijuana at iba pang iligal na droga sa bahay ng isang hostess na nagtatrabaho sa isang high-end bar sa Seoul.

Nora Aunor, second nominee ng People's Champ party-list: 'Gusto ko makatulong!'

Pero depensa ni Lee ay nalansihan lang daw siya ng babae at hindi niya alam na may droga sa kaniyang ipinapagamit.

Pareho namang negatibo ang nakuha niyang resulta nang sumalang sa brief reagent test at lab-based drug test ng National Forensic Service noong nakaraang buwan.

Sa katunayan, pati sa polygraph test request na isinumite niya sa Metropolitan Police Agency ay nagsasabing inosente siya.

Isa si Lee sa mga bahagi ng cast ng Oscar winning film na “Parasite”. Ginampanan niya ang karakter ni “Park Dong-ik” sa pelikula.