Nagpalitan ng matatamis na mensahe sa isa’t isa ang mag-asawang Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa kabila ng umaaligid na intriga sa kanila.

Sa Instagram post kasi ni Sharon nitong Martes, Disyembre 26, makikita ang isang art card na may quote tungkol sa loyalty at cheating.

“Kiko @kiko.pangilinan and I are not perfect. We may be going in different directions, disagreeing about the future…but all these qualities, he has,” saad ni Sharon sa caption ng kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya: “I married a good and honest man. Thank you, neybor. 🙏🏻💖🎄Love you always, and thank you too for being a great Dad to our kids.”

“I love you too❤️💯. Love thy neighbor ❤️❤️💯💯🙏@reallysharoncuneta,” tugon naman ni Kiko. 

Dahil dito, umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon ang pagpapalitan ng “I love you” nina Sharon at Kiko. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Ano ba diko magets mga mare iniwan ba ni mega naghiwalay ba sila??????😮”

“Para ako nag eexam dito nalilito na rin ako hehehe”

“Ok lang po yan ms. Sharon lokohin mo sarili mo 😢😢😢 sana lang maging masaya ka sa desisiyon mo”

“Midlife crisis lang yan. Daming drama ni Ms. Sharon, ginawang diary ang ig 😂”

“It's an appreciation post to K. 👏 She choose herself this time. 🔥💜🙏”

“She needs to see a psychologist/psychiatrist”

“Kaya lang ako nag-follow dahil sa Dear Heart concert pero nakakairita mga posts na ito. Papansin. Kung wala na ShaGab e di bye bye! Bahala ka dyan nakaka-umay na yan.”

“She is comparing a loyal and cheater.. alam ko na gets ko na... Thank you Senator Kiko for being loyal and faithful to Sharon.. You are still my Vice President maybe President narin soon.. heheheh 💗💗💗”

“I don’t think so separated cla. What she meant of going different directions is not literal at all, it means growing apart but not going apart.”

“Atee happy ako at nag post kana about sen kiko. Sana matigil na lahat ng speculations. Hoping for the best.❤️”

Matatandaang kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang makahulugang pahayag ni Sharon sa isang bahagi ng interview niya kay TV host-actor Luis Manzano tungkol sa kaniyang buhay may-asawa.

MAKI-BALITA: Sharon, Kiko hiwalay na nga ba?

Hindi tuloy maiwasan ng mga netizen na isiping hiwalay na ang dalawa bagama’t tinatawag pa rin namang “misis” ni Pangilinan si Sharon. 

MAKI-BALITA: Kiko, tinawag pa ring ‘misis’ si Sharon