Isang sweet birthday message ang handog ng aktor na si Christian Bables sa kaniyang “tol” na si Jennica Garcia.

Kalakip ng sweet birthday message, ini-upload ng aktor sa Instagram ang picture ni Jennica habang natutulog.

'Na-ghost?' Jennica Garcia, bigla raw nilayuan ni Christian Bables noon

“Sa Disney Princess na parang umiilaw pag natatapatan ng araw, mahal na mahal kita. Hindi ako mapapagod asarin ka at iparamdam sayo paulit ulit na ang sarap sarap ko. Tigilan mo nang pag pantasyahan ako please, nakaka pagod na,” sey ni Christian.

“Happy birthday, mahal ko! Mamahalin at poprotektahan kita hanggang humihinga ako tol @jennicagarciaph ❤️❤️❤️” dagdag pa niya.

Sumagot naman si Jennica sa post, “Birthday na Birthday ko pinagdidilim mo paningin ko! Sa dami ng pwedeng ipost na picture pisti ka, mahal kita. Thank you tol!!! Alabyu pureber! 🥰”

Matatandaang nagkasama sa seryeng “Dirty Linen” ang dalawa.

Agosto nitong taon nang mag-guest sila sa morning talkshow na “Magandang Buhay” kung saan napag-usapan ang tungkol sa pagkakaibigan nila, at bukod dito, na-ispluk din ni Jennica na bigla raw siyang iniwasan ni Christian noon.

“I’d like to think na close tayo noon or nag-assume lang ba ako?” natatawang tanong ni Jennica kay Christian.

“Close tayo nun,” sagot ni Christian.

“Kaya lang bigla ka lumayo sa akin,” sundot na sabi ni Jennica, na nagpatili sa mga host ng morning show na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

MAKI-BALITA: ‘Na-ghost?’ Jennica Garcia, bigla raw nilayuan ni Christian Bables noon