Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur dakong 11:42 ng umaga nitong Martes, Disyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol, na may lalim na 24 kilometro.

Namataan ang epicenter nito 91 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, ito ay isang aftershock ng magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

TIMELINE: Mga lindol na yumanig sa Surigao del Sur

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Kaugnay na Balita: