Pinagmumura ng netizen ang Kapuso Primetime Queen at King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil sa comeback movie nila na “Rewind.”

Ang nabanggit na pelikula ay kabilang sa mga pelikulang lahok sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nasa ilalim ng produksyon ng Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Sa isang Instagram post ni Marian, in-upload niya ang screenshot ng X post ng isang netizen na tila nagbigay ng “malutong” na papuri sa mag-asawa.

“TANGINA NI MARIAN REIVA, NAPAKAGALING! TANGINA MO RIN DINGDONG DANTES! TANGINA NIYONG DALAWA!!!!! NAPAKAHUSSAAAAYYYY!!!” saad ng netizen.

Sey naman ni Marian sa caption niya, “Maligayang Pasko sayo. Napakilig mo ako.”

Umani rin ng reaksyon ang naturang post ng Kapuso actress.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAH ISANG MALUTONG NA PASKO PO”

“Hahahahahahahaha ang lulutong eh”

“MANOOD!!! KUNG AYAW NYONG MAMURA!!!”

“GRABEEEEE HAHAHAHAH”

“Tangina niyong Mag couple kayo Pinaiyak niyo ko sa cinehan. Napakahusay niyo. Please lang StarCinema isa pa pong Dongyan sa 2024. Uulitin ko to Promise”

“Grabeh! Ang Crunchy”

“Trending ang Marian Rivera, DongYan at Rewind galing! Sinipon ako sa inyo DongYan grabeh!”

“Lutong ah pero at least kinilig si Miss Marian”

“HAHAHAHA bentang benta ma!”