Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na ang pagkakaroon ng magandang kalusugan ang pangunahing ipinagpapasalamat ng mga Pilipino sa Pasko at Bagong Taon.
Sa inilabas na resulta ng survey ng SWS, 51% ang lubos na nagpapasalamat para sa kanilang magandang kalusugan.
Nasa 29% naman daw ng mga Pinoy ang nagsabing pamilya ang pangunahin nilang pinagpapasalamat ngayong Pasko at Bagong Taon, habang 16% ang labis na nagpapasalamat para sa kanilang buhay.
“Following the top three responses were Job/Career/Income (10%), Food to eat (8%), Coping with daily hardships (8%), Prosperity (5%), All the blessings (3%), Education (3%), Peace and safety (3%), and God (2%),” anang SWS.
“Obtaining 1% were responses related to Lovelife/Spouse, Motorcycle/Vehicle, Surviving an illness or surgery, Happy life, House, Financial support, Having no worries or problems, and Material things,” dagdag nito.
Nasa 0.3% naman daw ang labis na nagpapasalamat dahil kaya nilang tumulong sa iba.
Samantala, 2% ng respondents ang hindi nagbigay ng kasagutan sa naturang usapin.
Isinagawa umano ang nasabing survey mula Disyembre 8 hanggang 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, kung saan maaari silang sumagot ng dalawang bagay na lubos nilang pinagpapasalamat ngayong Pasko at Bagong Taon.