Mula nitong araw ng Pasko, Disyembre 25, hanggang nitong Martes ng umaga, Disyembre 26, umabot na sa 24 ang mga bagong naitalang kaso ng injuries na nauugnay sa paputok, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH, 24 ang naitalang fireworks-related injuries sa bansa mula 6:00 ng umaga nitong Disyembre 25, hanggang 5:59 ng umaga nitong Disyembre 26, Lima hanggang 52 taon daw ang edad ng mga ito.
“Twenty two (22, 92%) occurred at home or nearby streets. Twenty one (21, 88%) had active involvement, with sixteen (16, 67%) of the fireworks being illegal. The five (5) amputations earlier mentioned resulted in lost or mangled fingers and hands,” saad ng DOH.
Isa lamang naman umano sa naturang mga naputukan ang babae.
Samantala, sa 24 bagong mga kaso ng naputukan sa bansa, lima rito ang naitala ngayong Martes. Lahat umano sa kanila ay lalaki habang tatlo ang menor de edad.
“To blame are the illegal Boga, Plapla, Five-star, and Goodbye Philippines fireworks, and the legal whistle bomb. Say goodbye to fireworks use at home instead of saying goodbye to your fingers,” saad ng DOH.
Sa kasalukuyan ay 52 na ang kabuuang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa; 20 o 38% dito ang mula sa Metro Manila, anim o 12% ang mula sa Central Luzon, at lima o 10% ang Soccsksargen.