Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng hapon, Disyembre 26, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:42 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 193 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 145 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.