Kagaya ng ibang celebrities ay ibinida rin ni Megastar Sharon Cuneta ang kanilang noche buena sa kanilang tahanan nitong Disyembre 24 ng gabi.

Sa Instagram posts, ibinida pa ni Shawie na kasalo nila sa noche buena ang kanilang mga kasama sa bahay.

Sa isa pang post, makikitang bakante ang isang upuan sa tabi ng bunsong anak na si Miguel.

Ito raw ay para sa panganay na anak na si KC Concepcion, at batay sa caption ni Mega, mukhang nasa bahay ito ng kaniyang amang si Gabby Concepcion.

National

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines

"One seat empty but place still set. I miss you, KC…😢 Have fun with your Papa. I love you. Merry Christmas baby…🎄❤️🙏🏻 @kristinaconcepcion," caption ni Sharon.

Wala namang tugon o comment dito ang naka-tag na si KC.

Noong Disyembre 23, sinabi ni KC na patungo siya sa Los Angeles sa USA para makasama ang ama sa pagdiriwang ng Pasko.

Ito raw ang unang pagkakataong magdiriwang ng Pasko si KC sa pamilya ng kaniyang ama, at pinasalamatan niya ang ina dahil sa pagpayag nito.

"‘Tis totally the season! 🎄 And I’m flying to Los Angeles to celebrate with my father’s side of the family- for the very first time in my life! 🥹 (Thank you mama for encouraging me to spend time with popps this Christmas!)," anang KC.

Sa iba pang Instagram posts ay flinex ni KC ang ilang throwback photos niya noong bata pa siya.

Aniya, sa tuwing sasapit ang Pasko ay muli niyang nagugunita ang "little KC" sa kaniya na laging excited sa panahong gaya nito.

Kamakailan lamang ay muling nag-reunion ang mag-aama sa naganap na concert nina Sharon at Gabby.