Sa kauna-unahang pagkakataon daw ay makakasama ni KC Concepcion ang pamilya ng kaniyang amang si Gabby Concepcion nitong Noche Buena, ayon sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 23.

Kaya huwag magtaka at mang-intriga kung bakit wala si KC sa Noche Buena ng pamilya ng inang si Megastar Sharon Cuneta kagabi, dahil Disyembre 23 pa lamang ay bumiyahe na ang panganak na anak patungong Los Angeles sa California, USA para makapiling at maka-bonding ang ama.

Nagpasalamat naman si KC dahil ang kaniyang mama ang nag-encourage sa kaniya para lumipad at makasama ang pamilya ng father's side.

"Tis totally the season! 🎄 And I’m flying to Los Angeles to celebrate with my father’s side of the family- for the very first time in my life! 🥹 (Thank you mama for encouraging me to spend time with popps this Christmas!)," anang KC.

National

DOH, nagbabala vs. imported Mpox vaccines

Samantala, sa kaniyang Instagram post naman ni Shawie ay ibinahagi niya litrato kung saan makikitang may bakanteng upuan sa kanilang hapag-kainan, sa tabi ng bunsong anak na si Miguel.

Ito raw ay laan niya para sa panganay na anak.

"One seat empty but place still set. I miss you, KC…😢 Have fun with your Papa. I love you. Merry Christmas baby…🎄❤️🙏🏻 @kristinaconcepcion," caption ni Sharon.

Marami naman ang natuwa dahil mukhang all well naman sa pagitan nina Sharon, Gabby, at KC, na muling nagkasama-sama kamakailan sa concert ng dalawa.

MAKI-BALITA: Sharon may pa- ’empty seat’ para kay KC pero kay Gabby nag-noche buena