Inookray mang "basura" at "walang kuwenta" ang movie entries ni Unkabogable Star Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival o MMFF, ilang mga netizen ang tila hinahanap-hanap ito.

Ngayong 2023 ay walang entry si Vice Ganda sa MMFF.

Ang entry ng Star Cinema/ABS-CBN sa MMFF ay "Rewind" na pinagbidahan ng GMA Primetime King and Queen Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ibinahagi ni Vice Ganda sa kaniyang X post ang sey ng isang netizen tungkol dito.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Asked my family what they want to watch this 25th, ayaw nila ng MMFF entries. Talagang si Vice Ganda lang gusto nila panuorin. Kaya naooffend ako whenever sinasabe ng mga ‘critics’ na 'basura' when it’s the only movie na nakukumpleto kame & naririnigan ko ng tawa nila."

https://twitter.com/chinitomanager/status/1738580822763163874

Dagdag pa ng netizen, "Anyway ang sad lang kasi wala kameng bonding this year. I look forward to that every year pa naman. Kasi ang next na genre ng gusto ng sibs ko ay horror pero ayaw ng mom ko. So di pa din kame complete. Pag romance naman or drama, mom ko lang and sister ko may gusto, huhu."

https://twitter.com/chinitomanager/status/1738582291029668246

Niretweet naman ito ni Vice Ganda sabay sabing "Para di nyo ko mamiss this Christmas download IwantTFC and watch #GandaraTheBeksplorer Season 2 for free. Lafftrip and heartwarming promise! Merry Christmas! Love u!"

https://twitter.com/vicegandako/status/1738774058823712796

Ang huling pelikula ni Vice Ganda sa MMFF ay noong 2022.

Ito ay ang "Partners in Crime" na unang pagtatambal nila ni social media personality at "FPJ's Batang Quiapo" star Ivana Alawi, under Star Cinema.

Samantala, speaking of MMFF entries, trending na sa X ang apat na pelikula sa unang araw pa lamang ng pagbubukas ng mga sinehan ngayong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Ito ay ang "Rewind" nina Dingdong Dantes at Marian Rivera o DongYan, "Family of Two" nina Sharon Cuneta at Alden Richards, "Mallari" ni Piolo Pascual, at "Firefly" ni Alessandra De Rossi at new child actor na si Euwenn Mikaell.

MAKI-BALITA: ‘Salpukan na!’ Tatlong pelikula ng 2023 MMFF trending na

MAKI-BALITA: Firefly ni Alessandra nakikipagsalpukan sa movies ng DongYan, Sharon-Alden at Papa P