Nagpaabot ng pagbati para sa Pasko ang aktor-komedyanteng si Dennis Padilla para sa kaniyang mga anak na sina Claudia Barretto, Leon Barretto, at Julia Barretto gayundin sa kaniyang step daughter na si Dani Barretto.

Sa kaniyang Instagram post nitong araw ng Pasko, Disyembre 25, makikitang nag-selfie si Dennis habang may hawak na papel kung saan nakasulat-kamay ang kaniyang pagbati.

"Merry Christmas mga anak... Love you... God bless you more 🙏🌲🌲♥️," aniya pa sa caption.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ngunit sa comment section ng post, ni isa sa mga binanggit na anak ay walang nagkomento o nagbigay ng heart reaction.

Hindi rin sigurado kung nagpaabot ng pagbati ang mga anak sa pamamagitan ng private message o PM.

Kaya sey tuloy ng mga netizen, sana raw ay sa pamamagitan ng PM na lang batiin ni Dennis ang mga anak para hindi na ito mapag-usapan pa.

Ang napapasama raw kasi rito ay mga anak niya, sa tuwing hindi sila nakakapag-reply o nagbibigay ng komento rito.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Whatever happens between you and your children’s. We don’t know for sure. But it breaks my heart , na ganito kayo mag aama na ganyan kayo. I lost my dad when I was 26 it’s been 13 years that he is gone and I still missed him and wishing he could still be with us now. 🥲Merry Christmas 🎄 po !"

"At muli mo pinapahiya mga anak mo. Wag ganun."

"merry christmas po 😘🎁😘 sana maappreciate po kayo ng mga kids whie you are still alive.. Mahirap magkaroon ng regrets ang bigat sa feeling na hindi mo na masasabi ang mga gusto mong sabhin kapag wala na ang parents 💔❤️💔"

"Kapag galit ang dating asawa, damay pati mga anak...may sariling isip naman mga anak nya...ipm man nya o i social media paraan nya yun para mapansin sya ng mga anak nya.if wala ka sa sitwasyon hindi mo talaga sya maiintindihan."

"Merry Christmas! I believe in karma. Your kids will regret doing that when one day they will have their own kids and their kids will snob them too. Then they will see how it feels like. God sees. 'Honor your father and mother.' Is the only commandment with a promise."

"Siguro mas mabuti kung e PM mo nalang po.Kasi the mote you post like this mas lalo nababash mga anak mo.Mas mabuti kung e Pm mo nalang baka mas ma appreciate pa nila.By the way Merry Christmas po 🌲❄️."

Matatandaang nagkasagutan na sina Dennis at ang anak na lalaking si Leon tungkol sa bagay na ito.

Hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa rin nagkakaayos at nagkakausap sina Dennis at mga anak niya kay Marjorie Barretto.

MAKI-BALITA: Dennis Padilla, itinakwil na ng mga anak?