Magpapatupad na naman ng malakihang dagdag-presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Disyembre 26.

Ito ang inanunsyo ng anim na oil company na kinabibilangan ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil at Shell nitong Lunes.

Anila, halos ₱2 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng kanilang produkto.

Nasa ₱1.60 at ₱1.70 ang ipapatong ng mga ito sa kada litro ng gasolina at diesel, ayon sa pagkakasunod.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Dadagdagan naman ng Caltex, Seaoil at Shell ng ₱1.54 kada litro ang kanilang kerosene.

Inaasahang gagayahin ng iba pang kumpanya ng langis ang nasabing hakbang ng anim na kumpanya.

Idinagdag pa ng mga ito, nagtaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil na rin sa sunud-sunod na pag-atake sa mga barkong may dala ng supply nito sa Red Sea.